Food Chamber

ALAMIN: Pinagkaiba ng ‘best before’ sa ‘expiration date’

Nagpaalala ang Food and Drug Administration (FDA) na dapat may ‘expiration date’ ang mga manufactured o processed foods kahit pa may ‘best before’ date ito. 

“Beyond the best before date, puwede pa po siyang kainin pero hindi po natin alam kung wala pong expiration date, kailan siya huling araw na safe,” ayon kay Timothy Mendoza, food-drug regulation officer ng FDA. 

Kailangan anila ang porma ng expiration date ay araw o day na numero, buwan na letra, at taon na numero rin. 

“Mayroon po kasing kalituhan minsan kung puro numbers lang,” ayon kay Mendoza. 

Sumusunod naman ang Philippine Food Chamber sa patakaran ng FDA sa expiration date.

Isinasalin na rin sa Filipino o Ingles ng mga manufacturer ang mga instruction o impormasyon na nasa ibang wika. 

“Kung ang mamimili natin ay makatapat ng galing let’s say sa ibang bansa, katulad ng Japan or China, tapos mayroon doong instructions tapos hindi niya mabasa, e kawawa naman ‘yung ating mga consumer,” ayon kay Atty. Ricky Salvador, tagapagsalita ng Philippine Food Chamber. 

Pero nilinaw ng grupo na sa international market, tanggap pa rin ang “best before” label kaya lang pagdating sa Pilipinas ay kailangang lagyan ito ng importer ng expiration date.

Paalala pa ng grupo sa mga konsumer, mag-ingat din sa mga nagbebenta ng tingi-tinging pagkain dahil hindi na matitiyak ang expiration date at instruction for cooking nito.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *